Mga nasa likod ng anomalya sa pag-imprenta ng librong maraming mali dapat mapanagot ayon sa minorya sa Kamara

By Erwin Aguilon August 15, 2019 - 04:13 PM

Iginiit ng minorya sa Kamara na hindi dapat mapalagpas at kailangang may mapanagot sa nadiskubreng milyun-milyong libro ng Department of Education (DepEd) na naka-imbak lang sa mga bodega at ang iba ay maraming mali.

Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, posibleng maharap sa kasong plunder ang mga opisyal ng DepEd kung mapatutunayang nagkaroon ng katiwalian at kapabayaan kaya’t hindi napakinabangan ang mga libro.

Nanghihinayang ang kongresista sa nasasayang na pondo ng gobyerno sa pagpapa-imprenta ng mga libro ngunit tadtad naman ng mali at hindi nagagamit.

Kung magpapatuloy aniya ang pagpapagamit ng mga librong maraming error, mangangahulugan ito na maling aralin din ang maituturo sa mga estudyante.

Kasabay nito ay ikinakasa na ang paghahain ng resolusyon sa Kamara upang magkaroon ng pormal na imbestigasyon sa ibinunyag ng Commission on Audit (COA) na mahigit 3-milyong libro na nagkakahalagang P113-milyon na hindi nagagamit at P254-milyong halaga ng Grade 3 learning materials na umano’y maraming error o mali ang pagkakasulat.

TAGS: deped, House of Representatives, textbook errors, deped, House of Representatives, textbook errors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.