Apat na drug den sa Subic sinalakay ng PDEA; 20 arestado
Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Regional Office 3 ang apat na drug den sa Subic, Zambales araw ng Miyerkules.
Isinilbi ang tatlong search warrant dahilan para mahuli sa akto ang 20 drug suspects na gumagamit ng shabu.
Nakuha sa mga suspek ang nasa P500,000 halaga ng ilegal na droga.
Ayon pa sa mga otoridad, lima sa mga suspek ay hinihinalang miyembro ng Omar drug group.
Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek sa PDEA Jail Facility sa San Fernando City, Pampanga.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.