Habagat magpapaulan pa rin sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2019 - 06:38 AM

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon dahil sa epekto ng Habagat.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, mahina hanggan katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, at Bataan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar.

Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Dahil may kalakasan ang Habagat nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng maraming lalawigan sa Luzon.

Ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Batanes, Babuyan, Calayan, Cagayan, Isabela at Aurora.

TAGS: Central Luzon, habagat, northern luzon, Pagasa, weather, Central Luzon, habagat, northern luzon, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.