Bilin sa mga OFW, sundin ang mga batas ng ibang bansa

By Jay Dones December 30, 2015 - 12:11 AM

 

Mula sa inquirer.net

Matapos ang pagbitay sa OFW na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia, nanawagan ang pamahalaan ng Pilipinas sa lahat ng mga Pilipino na nasa iba’t-ibang panig ng mundo na sundin ang mga batas sa mga lugar kung saan sila naroroon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Sonny Coloma, nagpahatid na ng kanilang simpatiya at pakikiramay ang pamahalaan sa mga pamiyang naiwan ni Zapanta.

Bagaman ginawa na aniya ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya, hindi pa rin ito naging sapat upang mailigtas ang kanyang buhay.

“The government extends its sympathy and condolences to the family of Joselito Lidasan Zapanta. Despite efforts to preserve his life, appeals for compassion and forgiveness were unheeded and his execution could not be forestalled further under the laws of Saudi Arabia,” pahayag ni Coloma.

Kasabay nito, nangako ang pamahalaan na gagawin pa rin nila ang lahat upang matulungan ang iba pang mga Pinoy na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Zapanta ay pinatawan ng hatol na bitay ng Saudi Arabia matapos mapatay at pagnakawan ang kanyang Sudanese landlord.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.