‘ISKOnek’ – bagong free WiFi, charging kiosk inilunsad sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 15, 2019 - 03:26 AM

Manila PIO photo

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Miyerkules ng gabi ang paglulunsad sa bagong WiFi kiosk sa Andres Bonifacio Monument na tinatawag na ‘ISKOnek.

Sa panayam ng media, sinabi ni Moreno na ang kiosk ay magagamit para sa libreng WiFi, landline calls, at maging sa charging ng cellphone.

Nabuo ang kiosk sa tulong ng Eastern Communications at kaya nitong serbisyuhan ang 100 users nang sabay-sabay.

Bawat user ay pwedeng kumonekta sa loob ng 30 minuto at matapos ang allotted time ay awtomatiko itong madi-disconnect sa system para makagamit naman ang iba pa.

Iginiit ni Moreno na ang internet connectivity ay isa nang pangangailangan ngayon.

Malaking tulong anya ang kiosk para sa mga walang data o load.

Sa initial test ng media, ang WiFi speed sa ISKOnek ay umaabot sa 80 mbps at imomonitor ito ng Eastern Communications at ng lokal na pamahalaan sa loob ng ilang linggo.

Ayon kay Moreno, sakaling tagumpay ay maglalagay pa ng 50 kiosks ang Manila local government sa iba’t ibang lugar tulad ng mga ospital at paaralan.

 

TAGS: 50 kiosks, 80 mbps, Andres Bonifacio Monument, cellphone charging, data, Eastern Communications, ISKOnek, landline call, libre, load, Manila Mayor Isko Moreno, wifi, WiFi kiosk, 50 kiosks, 80 mbps, Andres Bonifacio Monument, cellphone charging, data, Eastern Communications, ISKOnek, landline call, libre, load, Manila Mayor Isko Moreno, wifi, WiFi kiosk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.