MMDA: Trapik sa EDSA dahil sa dumaraming sasakyan
Isinisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dumaraming bilang ng sasakyan ang pagtindi ng bigat ng trapiko sa EDSA.
Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Assistant Secretary Celine Pialago, tagapasalita ng MMDA na numero unong dahilan ng matinding trapiko ang bilang ng mga sasakyan.
Iginiit nito na magkaiba ang sitwasyon noon at ngayon.
Noon anya ay nasa 200,000 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw.
Doble aniya nito ang naitatalang 386,000 hanggang 402,000 na sasakyan sa EDSA ngayon.
Ayon naman kay MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija, welcome sa ahensya kung sakaling maglalabas ng batas para malimitahan ang mga sasakyan sa EDSA.
Posible din aniyang gawing solusyon sa trapiko ang number coding, pagkakaroon ng garahe bago bumili ng sasakyan at paglilipat ng ilang opisina ng gobyerno sa Clark, Pampanga.
Matatandaang patuloy na nakatatanggap ng batikos ang MMDA dahil sa umano’y pag-eksperimento sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.