P1.6B refund ng Sanofi sa hindi nagamit na Dengvaxia nais paimbestigahan sa Kamara
Planong ipasilip ni Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon sa Kamara kung saan napunta ang P1.6 Billion na halaga na ini-refund noon ng Sanofi Pasteur sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Leachon, iniipon na lamang niya ang iba’t ibang mga isyu na may kinalaman sa pagtaas ng kaso ng dengue at plano niyang maghain ng resolusyon para silipin ang pondo sa Dengvaxia.
Sisilipin din kung ano ang tulong na naibigay na ng pamahalaan sa 800,000 na pamilya na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia.
Noong nakaraang taon ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan na gamitin na supplemental budget ang isinauling pera ng Sanofi pero wala nang nakuhang update tungkol dito.
Kabilang sa mga programa at plano na paggagamitan sa halagang isinauli ng Sanofi ay ang medical assistance program para sa dengvaxia patients; deployment ng nurse, health education at promotion officers; panukalang active case finding o profiling at medical kits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.