Hirit na furlough ni Sen. Leila De Lima para mabisita ang may sakit na ina pinayagan ng korte
Pinayagan ng mga korte sa Muntinlupa ang hirit na furlough ni Senator Leila De Lima para mabisita ang kaniyang nanay na may sakit sa Camarines Sur.
Sa desisyon ng Muntinlupa RTC sa panulat ni Judge Liezel Aquiatan, pinagbigyan ang hirit na furlough ni De Lima mula August 14 hanggang 15.
Nakasaad sa utos na dapat 8 oras lang mananatili sa ospital si De Lima kung saan naka-confine ang kaniyang ina at dapat makabalik siya sa PNP-Custodial Center bago mag-August 16.
Bawal ding magpa-interview si De Lima at bawal siyang gumamit ng communication gadgets.
Inatasan ang PNP na bigyan ng escort si De Lima para sa nasabing biyahe.
Ang naturang hirit ni De Lima ay hindi an tinutulan ng prosekusyon sa kondisyong dapat ay 48 oras lang siyang mawawala sa custodial center kasama na ang biyahe.
At dapat ang lahat ng gastos para sa biyahe ay sasagutin ni De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.