Pagbabalik ng biyahe ng mga motorbanca sa Iloilo-Guimaras Strait bantay-sarado ng coast guard
Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabalik ng biyahe ng mga motorbanca sa Iloilo-Gumaras Strait.
Kahapon binawi na ang umiiral na suspensyon sa biyahe ng mga motorbanca kaya nakapag-resume na sa operasyon ang mga bangka.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), wala namang naging problema sa pagbabalik ng biyahe at ang unang motorbanca na galing Parola, Iloilo patungong Buenavista, Guimaras ay nakapagsakay ng 36 na pasahero.
Masusing binantayan ng mga tauhan ng coast guard ang mga naglayag na bangka para matiyak na ang lahat ng pasahero ay nakasuot ng life vests.
Bahagi din ng kondisyon sa pagbawi ng suspensyon ng biyahe sa naturang ruta ay ang pagsasakay lamang ng 75% ng passenger capacity ng mga motorbanca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.