Sa ikatlong pagkakataon ay sinampahan ng kasong libel ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Special Envoy to China Ramon Tulfo.
Ayon kay Atty. Elvis Balayan, abogado ni Medialdea, isinampa nila ang kaso sa Manila Prosecutor’s Office.
Nag-ugat aniya ang kaso Medialdea dahil sa column ni Tulfo sa Manila Times noong July 25, 2019 na hinaharang ng kalihim ang pagre-release ng P272 Million reward sa government informant na si Felecito Mejorado.
Si Mejorado ang nagsumbong sa umano’y 1.3 Billion na halaga ng smuggled crude na nakumpiska sa Mariveles Bataan noong 1997.
Sinundan pa ni Tulfo ang pagsusulat ng artikulo laban kay medialdea noong August 1, 2019.
Humihingi si Medialdea ng P80 Million moral damage mula kay Tulfo at sa iba pang respondents ng kaso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.