DepEd handa na sa imbestigasyon sa textbook fiasco
Welcome sa Department of Education (DepEd) ang posibleng isagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso hinggil sa inilabas na audit report ng Commission on Audit (COA).
Batay sa ulat ng COA, mayroong P254 Million na halaga ng libro ang kanilang nabisto na mali-mali ang laman para sa mga estudyante ng Grade 3.
Sa inilabas na pahayag, handa ang kagawaran na sagutin ang mga anomalya.
Tiniyak ng DepEd sa publiko at stakeholders nito na inaaksyunan na ang report ng COA.
Idinagdag pa ng DepEd na determinado pa rin ang kagawaran para ipagpatuloy ang pagpapabuti sa kanilang Sistema ng edukasyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.