Dayuhang hinihinalang terorista nagtungo sa NBI, itinangging sangkot siya sa terorismo

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 12:01 PM

Lumantad sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa tatlong dayuhan na pinaghihinalaang terorista at maghahasik umano ng terorismo sa Northern Luzon.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, totoong nasa bansa ang dayuhang babae at personal itong nagtungo sa NBI para linisin ang kaniyang pangalan.

Samantala, ang dalawa pang dayuhan na hinihinalang terorista ay wala namang arrival records sa Bureau of Immigration ani Guevarra.

Magugunitang sa report ng The Strait Times ng Singapore, sinabing isang lalaki at kaniyang fiancé ang dumating sa Northern Luzon galing Sri Lanka para maglunsad ng pag-atake sa mga simbahan.

Ang nanay umano ng lalaki ang ‘financier’ ng grupo.

Ani Guevarra, naka-alerto naman na ang anti-terror group ng BI at binabantayan ang mga pangalang nasasangkot sa terorismo.

TAGS: DOJ, foreign terrorists, NBI, northern luzon, Terror attack, DOJ, foreign terrorists, NBI, northern luzon, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.