Biyahe ng motorbanca sa Iloilo-Guimaras Strait, balik-operasyon na
Binawi na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang suspensyon sa biyahe ng mga motorbanca sa Iloilo-Guimaras Strait.
Sa memorandum ni MARINA Regional Director Jose Venancio Vero Jr., inalis na ang pag-iral ng suspension of authority to operate sa Guimaras to Iloilo at pabalik.
Ito ay upang matugunan ang pagdami ng stranded na pasahero sa Guimaras.
May kaakibat na kondisyon naman ang pagbawi ng suspensyon kabilang ang mga sumusunod:
– Dapat ang mga pasahero ay laging nakasuot ng life jackets sa buong paglalayag
– Ang mga motorbanca ay dapat magsakay lang ng 75 percent ng kanilang authorized capacity
– Ang mga tarpaulin/canvass ay dapat nakarolyo o kaya ay alisin na
– Ang operasyon ng mga motorbanca ay dapat kapag maganda lang ang panahon
– Dapat may karampatang signals/equipment ang mga motorbanca na bibiyahe
Magugunitang sinuspinde ang operasyon ng mga motorbanca sa nasabing lugar dahil sa malagim na aksidenteng kinasangkutan ng tatlong bangka kung saan 31 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.