University of the Philippines, naungusan ang Harvard, Oxford sa health research citations
Tinalo ng University of the Philippines (UP) ang premiere university ng bansa ang ilan sa pinakamagagaling na pamantasan sa buong mundo kabilang ang Harvard University, University of Oxford, at the University of Stanford sa pinakahuling world rankings para sa health research citations.
Rank 7 ang UP sa clinical and preclinical health research citations matapos makakuha ng 98.8 score sa 2019 Times Higher Education (THE) World University Rankings.
Ayon sa Philippine Council for Health Research and Development, ang citation score ay ‘indicator’ ng bilang ng beses na ‘cited’ o nabanggit ang research sa iba pang research ouput.
Ang citations ay nagdedetermina rin umano ng impluwensya ng isang research project para gamitin ng iba pang researcher bilang reperensya.
Dahil sa 98.8 citation score, naungusan ng UP ang Oxford na may 92.7 (17th place); Harvard na may 87.4 (37th place); University of Cambridge na may 88.5 (30th place); at Stanford University na mayroong 92.1 (19th place).
Nanguna naman sa may pinakamataas na health research citation ang Tokyo Metropolitan University na may 100.0 citation score.
Ang UP ay nasa top 501-600 universitires ng THE overall World Rankings 2019 mas mataas mula sa 601-800 bracket noong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.