Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 83 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 6:38 ng gabi.
May lalim ang lindol na 142 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.