Libing ng batang namatay sa bilary atresia sasagutin ni Duterte ayon kay Go

By Chona Yu August 12, 2019 - 03:17 PM

Photo: Sen. Bong Go

Personal na sinalubong kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ang mga labi ng labing isang buwang na sanggol na nasawi sa India dahil sa liver disease.

Kasama ng pangulo na sumalubong si Senador Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Go, aakuin na ni Pangulong Duterte ang pagpapalibing sa sanggol na si Eren Crisologo.

Mayroong biliary atresia ang bata at dinala sa India para sa isang  liver transplant.

Gayunman, nagkaroon ng kumplikasyon ang bata at nasawi.

Isang sundalo ang ama ni Eren na si Erne Crisologo habang guro naman ang kanyang inang si Charibel Crisologo.

TAGS: bilary atresia, bomg go, crisologo, Davao City, duterte, bilary atresia, bomg go, crisologo, Davao City, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.