Apat na dayuhang turista at dalawang Pinoy nailigtas sa landslide sa Benguet
Nailigtas ang apat na dayuhan kasama ang dalang Pinoy na driver matapos silang ma-stranded sa naganap na landslide sa Tuba, Benguet.
Ayon kay Tuba Municipal Police Station Chief, Police Maj. James Acod, nagtulong-tulong ang mga residente at isang konsehal sa lugar para isalba ang anim.
Sinabi ni Acod na galing La Union ang mga turista at patungo ng Baguio City at hindi nila napansin ang road closure signs sa Camp 1 Toll Gate ng Kennon Road Linggo (Aug. 11) ng gabi.
Nakarating sila sa Camp 5 ng Kennon Road at hindi na nakausad pa dahil mayroong landslide sa lugar.
Tinulungan sila ng mga residente sa lugar at dinala sa bahay ni Councilor Arnulfo Milo para doon magpalipas ng gabi.
Muli namang nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na nananatiling sarado sa mgamotorista ang Kennon Road.
Maging ang mga residente ay hindi pwedeng dumaan sa kalsada.
Pinapayuhan ang publiko na sa Marcos Highway o Naguillan Road na lamang dumaan patungo at galing sa Baguio City at mga kalapit na bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.