Daan-daang drug personalities huli sa magkakasunod na raid sa Antipolo City
Nagkasa ng magkakasunod na pagsalakay ang mga otoridad sa laban sa mga hinihinalang tulak at gumagamit ng ilegal na droga sa Brgy. San Isidro sa Antipolo City.
Pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ang nagsagawa ng operasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Antipolo City, nagresulta ito sa pagkakadakip sa daan-daang mga gumagamit at ilang tulak ng shabu.
May kaakibat na search warrant ang mga ikinasang pagsalakay Linggo (Aug. 11) ng madaling araw.
Kasabay nito hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa lungsod na magbigay impormasyon sa mga otoridad hinggil sa mga sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga
May ipagkakaloob na P50,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakahuli sa isang drug pusher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.