DILG, nangako sa mga magulang na hahanapin ang mga anak na na-recruit ng makakaliwang grupo
Nangako ng tulong ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga magulang ng mga kabataang na-recruit umano ng mga komunistang grupo.
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na hahanapin nila ang mga nawawalang menor de edad na posibleng na-recruit ng makakaliwang grupo.
Ang mga na-recruit na menor de edad aniya ay posibleng ipinakalat sa mga bundok para isama sa mga engkwentro kontra sa tropa ng pamahalaan.
Pinag-aaralan din aniiya ang memorandum of agreement sa pagitan ng mga state universities and colleges (SUCs) ukol sa dagdag na presensya ng pulisya sa bisinidad para maharang ang isinasagawang recruitment ng mga makakaliwang grupo.
Matatandaang noong nakaraaang linggo, naging emosyonal ang mga magulang sa pagpapahayag ng kanilang saloobin sa mga nawawalang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.