Alalahanin ang sakripisyo ng mga Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha – Robredo
Nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at maging sa buong mundo para sa pagdiriwang ng Eid al-Adha o ‘Feast of Sacrifice.’
Sa inilabas na pahayag, hinikayat nito ang mga Filipino na alalahanin ang pagsasakripisyo at pagsisikap ng mga Muslim.
Sinabi pa ng bise presidente na patuloy na ipanalangin ang mga Muslim sa pagharap at darating pang hamon sa kani-kanilang buhay.
Dagdag ni Robredo, gamitin ang pagdiriwang para magbukas ng puso sa mga nangangailangan.
Makatutulong din aniya ito para mapagkaisa ang mga Filipino anuman ang relihiyon, kulay ng balat at pinanggalingan.
Dapat din aniyang ipagpatuloy ang pagmamahal, pananampalataya at bayanihan ng mga Filipinong Muslim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.