Mga pasaherong na-stranded sa mga port areas ng bansa umabot na sa 383 katao ayon sa PCG
Walang bagyong umiiral sa loob ng Philippine Area of Responsibility, pero mayroon hindi parin pinahihintulutan ng Philippine Coast Guard ang maglayag sa karagatan dahil sa habagat.
Base sa ulat ng Philippine Coast Guard, mayroon pang 383 na mga pasahero ng mga barko na stranded sa iilang port areas ng bansa.
Samantala, hindi rin pinayagang maglayag ng Philippine Coast Guard ang 108 na rolling cargoes; 28 na barko at 18 na motorbanca.
Narito ang mga apektadong port areas:
– Southern Tagalog
– Western Visayas
– Bicol at Southern Visayas.
Ayon sa pamunuan ng Philippine Coast Guard, hindi pa nila tiyak kung kailan aalisin ang kanilang abiso sa mga nabanggit na port areas ng bansa.
Sa ngayon mahigpit nilang ipinatutupad ang kanilang kautusang nagbabawal na maglagi sa mga karagatan sa oras ng masamang lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.