Buhawi, nanalasa sa Bucloc, Abra

By Marlene Padiernos August 10, 2019 - 07:06 PM

Isang buhawi ang nanalasa sa bayan ng Bucloc sa lalawigan ng Abra biyernes ng hapon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Abra, 28 na indibidwal ang naapektuhan habang nasa anim na kabahayan naman ang naitalang nasira ng nasabing buhawi kung saan ang dalawa dito ay naiulat bilang totally damaged.

Napag-alaman naman na isa sa mga residente ay nagtamo ng mga sugat dahil sa nangyaring insidente.

Samantala, kaninang umaga ay nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan para sa mga apektadong pamilya sa lugar.

Maliban sa buhawi, nakapagtala rin ang MDRRMO ng pagguho ng lupa sa nasabing bayan dahil sa nararanasang mga pag-ulan na hatid ng hanging habagat.

Hanggang ngayon naman ay patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations sa lugar ang lokal na pamahalaan kasama narin ang ilang residente sa lalawigan.

TAGS: 28 na indibidwal ang naapektuhan, Abra, Bucloc, buhawi, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Abra, totally damaged, 28 na indibidwal ang naapektuhan, Abra, Bucloc, buhawi, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Abra, totally damaged

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.