4 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas August 10, 2019 - 03:59 AM

Timbog ang isang tulak ng droga at ang apat na runner nito sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Pansol, Quezon City.

Matagal nang nais mahuli ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Omeng’ dahil sa talamak na pagbebenta nito ng droga.

Ayon kay Jojo Mahusay, kapitan ng baranggay, laging nakakatakas sa police operation ang suspek.

Pero sa operasyon ngayong madaling-araw, nakabili ng P200 halaga ng shabu ang police poseur buyer mula kay Omeng.

Agad inaresto si Omeng at pinasok ang kanyang bahay kung saan namataan ang tatlong iba pa na sinasabing runner ng suspek.

Hindi na naitanggi pa ng suspek ang pagbebenta nito ng droga at nagagawa lamang umano niya ito upang ipantustos sa kanyang pamilya.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, runner, shabu, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, runner, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.