Duterte sa 64 BOC employees: Leave or lose everything?
May babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa 64 empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na inaakusahang sangkot sa korapsyon.
Sa talumpati sa 118th Police Service Anniversary celebration sa Camp Crame araw ng Biyernes, sinabi ng pangulo na kung hindi magkukusang umalis ang 64 na empleyado ng BOC ay talagang itutulak niya ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito.
Ayon kay Duterte, titiyakin niyang mawawala ang lahat sa 64 at tataguriang kahiya-hiyang mga empleyado ng gobyerno.
“You better go or I will pursue the case criminally. You will not only lose your pants but you will lose everything including being a dishonorable employee of this government,” ani Duterte.
Matatandaang pinulong ng presidente ang naturang mga empleyado sa Malacañang at iginiit na walang puwang sa kanyang administrasyon ang korapsyon.
Inilagay ni Duterte sa floating status ang mga ito hanggang hindi pa nasasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.