Bureau of Customs kumilos kontra imported na basura
Itinatag ni Customs Commissioner Rey Guerrero ang Environmental Protection and Compliance Division para mapigilan na ang pagpasok sa Pilipinas ng mga basura ng ibang bansa.
Paliwanag ni Guerrero, ang mandato ng bagong tanggapan na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa ay alamin kung anong mga kargamento na pumapasok sa lahat ng entry points sa bansa ang naglalaman ng basura.
Base sa inilabas na Memorandum Order 38-2019, permanente ng dibisyon sa kawanihan ang EPCD at ito ay tutukan ng Customs’ Enforcement and Security Service.
Babantayan aniya ng bagong tanggapan ang pag-proseso ng mga shipments na posibleng naglalaman ng hazardous substances, waste products at recyclable products na nasa kontrol naman ng DENR.
Binigyan kapangyarihan din ang bagong tanggapan na magrekomenda ng pagpapalabas ng alert order, pre-lodgement control order at pagsasampa ng mga kaso sa mga mahuhuling magpapasok ng mga imported na basura sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.