Suspensyon ng trabaho sa gobyerno sa Metro Manila iniutos ng Malakanyang
Iniutos na ng Malakanyang ang suspensyon sa trabaho sa gobyerno sa Metro Manila.
Alas 3:00 ng hapon pinayagan nang umuwi ang mga empleyado ng gobyerno sa buong NCR.
Ito ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Disaster and Management Council (NDRRMC).
Ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa disaster response ay mananatili naman ang operasyon.
Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa management ng mga pribadong kumpanya ang suspensyon sa kanilang trabaho.
Ang pasok sa klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila ay sinuspinde na ng mga lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.