EDSA traffic iimbestigahan sa Senado

By Jan Escosio August 09, 2019 - 03:14 AM

Pagpapaliwanagin ni Senator Grace Poe ang lahat ng mga kinauukulang opisyal ukol sa pagbigat ng lagay ng trapiko sa EDSA kasabay ng ‘dry run’ ng provincial bus ban.

Ayon kay Poe sa darating na Martes, Agosto 13, magsasagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Committee on Public Services sa Senado para marinig ang paliwanag ng mga opisyal na nasa sektor ng pampublikong transportasyon.

Pinuna ng senadora ang matinding kalbaryong nararanasan hindi lang ng mga motorista kundi lalo na ng mga pasahero.

Babala pa ni Poe na hindi niya palalagpasin ang sinoman kailangan managot.

Giit nito sa pag-eeksperimento ng mga opisyal, ang publiko ang nagdurusa kayat dapat aniya sa anuman polisiya o plano ukol sa pagpapagaan sa trapiko dapat ay ikunsidera ang mga motorista at pasahero.

Kinuwestiyon ni Poe ang paglala ng trapiko kasabay ng paghihigpit sa EDSA Yellow Lane policy at test run ng provincial bus ban.

 

TAGS: Dry Run, edsa, iimbestigahan, Provincial bus ban, Senado, Senator Grace Poe, trapik, yellow lane policy, Dry Run, edsa, iimbestigahan, Provincial bus ban, Senado, Senator Grace Poe, trapik, yellow lane policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.