Iba’t ibang scenario isinagawa sa 3rd quarter national simultaneous earthquake drill
Nakiisa ang mga empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa third quarter nationwide simultaneous earthquake drill Huwebes ng hapon.
Nag-duck, cover, and hold ang mga manggagawa nang tumunog ang alarma na hudyat ng pag-uumpisa ng drill.
Hindi rin nagpahuli drill ang mga pulis sa Southern Police District (SPD) at Manila Police District (MPD) na nagsuot pa ng mga helmet at may mga dalang medical equipment.
Nakiisa rin ang Eastern Police District (EPD) sa isinagawang earthquake drill sa kabila ng mauling panahon.
Mayroong nakaabang na mga miyembro ng Disaster Response Team at mga kunwaring mga nasaktan.
Isinakay sa mga strecher ang kunwaring mga nasugatan matapos ang kunwaring pagyanig.
Ang mga mag-aaral naman sa University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) sa Cagayan De Oro ay nakisama rin sa drill kung saan nagsilabasan ang mga ito sa mga silid-aralan.
Ang National Simultaneous Earthquake Drill ay ginawa sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na layong maging handa ang mga tao sa panahon ng malakas na lindol gaya ng tinatawag na ‘The Big One.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.