2 election officers sa Muntinlupa kinasuhan ng Comelec
Nagsampa ang Commission on Elections (Comelec) ng kasong kriminal laban sa dalawang election officers sa Muntinlupa City.
Ayon sa Comelec, inihain ang kaso laban kina Ronald Allan Sindo at Michael Robles sa Muntinlupa Regional Trial Court noong August 1.
Paliwanag ni Comelec commissioner Rowena Guanzon, nilabag ng dalawa ang Republic Act 8189 na nagbabawal sa pagbabago o paglipat ng presinto ng mga botante sa listahan nang walang ipinadadalang kasulatan.
Maikokonsidera aniya ito bilang seryosong paglabag.
Samantala, nakapag-piyansa naman ang dalawa ng tig P36,000 sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.