Albayalde: Mga estudyanteg ni-recruit ng Anakbayan posibleng nasa training na sa bundok

By Den Macaranas August 08, 2019 - 03:20 PM

Inquirer file photo

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde ang grupong Anakbayan na ilabas ang ilang mga mag-aaral na nawawala makaraang sumali sa nasabing militanteng grupo.

Kasunod ito ng panawagan ng ilang mga magulang kahapon sa pagdinig sa Senado makaraan silang mawalan ng contact sa kanilang mga anak dahil sa pagsapi ng mga ito sa Anakbayan na iniuugnay naman sa Communist Party of the Philippines at sa New People’s Army.

Para kapanatagan ng loob ng mga magulang ay sinabi ni Albayalde na dapat sagutin ng grupo ng isyu.

Hindi rin nagustuhan ng pinuno ng PNP ang tugon ng Anakbayan na kagagawan umano ng PNP at ng militar ang paglutang ng nasabing mga magulang sa Senado para idiin ang grupo.

Ayon kay Albayalde, imbes na iligaw ang isyu ay mas makabubuting sabihin na ng Anakbayan kung saan nila dinala ang ilang senior high school students na kabilang sa kanilang mga recruits.

Sinabi rin ni Albayalde na malamang ay nasa bundok na ang nasabing mga mag-aaral at isinasa-ilalim sa training ng komunistang grupo.

Idinagdag pa ni Albayalde na inihahanda na ang patong-patong na mga kaso sa mga opisyal ng Anakbayan base sa reklamong inihain ni Ginang Relissa Lucena.

Kabilang ang anak ni Lucena sa mga sinasabing na-recruit ng militanteng grupo.

TAGS: albayalde, Anakbayan, CPP, NPA, PNP, Senate, albayalde, Anakbayan, CPP, NPA, PNP, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.