FDA binalaan ang publiko sa pagbili ng nakakapayat na kape

By Jan Escosio August 08, 2019 - 10:14 AM

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa isang brand ng slimming coffee na ibinebenta ngayon sa merkado.

Sa abiso ng FDA, bukod sa Active White Slimming Coffee, hindi rin rehistrado ang Fruccy’s Ginger Tea, Garden Secret 16 in 1 Turmeric powder, Nu Beta Growing Factor at High Nature Super Food.

Base sa post market surveillance ng FDA walang certificate of registration ang mga naturang produkto.

Bunga nito, ang pag-manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng mga naturang produkto ay ipinagbabawal.

Paala ng ahensiya hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan sa paggamit ng mga ito kayat maaring makasama sa kalusugan at pangangatawan.

TAGS: FDA, Radyo Inquirer, slimming coffee, FDA, Radyo Inquirer, slimming coffee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.