Pambansang pondo pantay na ipamamahagi ni Pangulong Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pantay na ipamamahagi ng pamahalaan ang pambansang pondo.
Ayon sa pangulo, hindi niya titingnan ang political affiliation ng isang lokal na opisyal lalo na kung infrastructure spending ang pag-uusapan.
Ayon sa pangulo, huwag mag-atubili na lumapit kay Budget Acting Secretary Wendel Avisado kapag nangailangan ng pondo para sa isang proyekto.
Sa ngayon, nakabuhos aniya ang pondo sa nga pang imprastraktura sa Luzon at Visayas.
Ayon sa pangulo, ihuhuli na lamang niya ang Mindanao para hindi na makulayan pa ng mga kritiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.