Water level ng Angat dam sumampa na sa 170-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2019 - 08:50 AM

Sumampa na sa 170-meter level ang water level ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Divison, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Aug. 8 ay nasa 170.18 meters na ang water level ng Angat.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at ngayon ay nasa 100.75 meters ang antas ng tubig, gayundin ang La Mesa dam na ngayon ay nasa 75.86 meters.

Maging ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas.

Habang bahagya namang nabawasan ang water level ng Ambuklao at Caliraya.

TAGS: Angat Dam, dam, la mesa dam, Radyo Inquirer, Angat Dam, dam, la mesa dam, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.