Heavy rainfall warning nakataas sa Occidental Mindoro at maraming bayan sa Palawan

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2019 - 08:11 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Occidental Mindoro at sa maraming lugar sa lalawigan ng Palawan na patuloy na inuulan dahil sa Habagat.

Alas 8:00 ng umaga ngayong araw, Aug. 8 orange warning level ang umiiral sa Occidental Mindoro at sa mga bayan ng Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, El Nido, at Taytay sa Palawan.

Yellow warning level naman ang nakataas sa iba pang bayan ng Palawan gaya ng Agutaya, Magsaysay, Cuyo, Dumaran, Aracelli, Roxas, at San Vicente.

Ayon sa PAGASA, ilang oras nang nakararanas ng tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan ang nasabing mga lugar.

Sa Visayas naman, nananatili ring nakataas ang yellow warning level sa Iloilo, Guimaras at Antique.

Pinayuhan ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng flash flood.

Habang ang mga nakatira naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa pagguho ng lupa.

TAGS: Orange Warning Level, Pagasa, rainfall warning, weather, yellow warning level, Orange Warning Level, Pagasa, rainfall warning, weather, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.