August 12 idineklarang holiday bilang obserbasyon ng Eid’l Adha

By Chona Yu, Len Montaño August 08, 2019 - 12:16 AM

File photo

Idineklarang regular holiday sa Lunes, August 12, 2019 sa buong bansa bilang obserbasyon ng Eid’l Adha.

Pahayag ito ni Senator Bong Go ayon umano kay Executive Secretary Salvador Medialdea Miyerkules ng gabi.

Ang Eid’l Adha o Feast Sacrifice ay isa sa mga mahalagang holidays ng mga Muslim.

Isa ito sa pangunahing pista na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.

Ang Eid’l Adha ay patungkol sa kahandaan ni Ibrahim o Abraham na isakripisyo ang kanyang anak bilang pagtalima sa utos ng Diyos.

Ito rin ang nagsisilbing pagtatapos ng taunang pilgrimage ng mga Muslim sa Mecca.

 

TAGS: 2019, August 12, Eid'l Adha, Executive Secretary Salvador Medialdea, feast of sacrifice, Holiday, mecca, muslim, pilgrimage, senator bong go, 2019, August 12, Eid'l Adha, Executive Secretary Salvador Medialdea, feast of sacrifice, Holiday, mecca, muslim, pilgrimage, senator bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.