Naaresto na ng pulisya ang Most Wanted Person sa bayan ng Lemery sa Batangas araw ng Miyerkules.
Arestado si Marvin Mayuga, 28 anyos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Batangas Regional Trial Court (RTC) Branch 5 para sa kasong panggagahasa.
Hindi nagrekomenda ang korte ng piyansa para kay Mayuga.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay kasama rin sa listahan ng Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan.
Nasa kustodiya na ng Batangas Police ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong rape.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.