DOH: Dengvaxia hindi sagot sa dengue epidemic

By Angellic Jordan August 07, 2019 - 05:39 PM

Inquirer file photo

Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi sagot ang pagbibigay ng Dengvaxia vaccine sa lumolobong bilang ng sakit na dengue.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi ito epektibo sa lahat ng tao.

Dapat lamang aniyang ibigay ang naturang bakuna sa mga bata na tinamaan na ng dengue noon.

Idineklara ng kagawaran ang national dengue epidemic sa bansa, araw ng Martes.

Sa pinakahuling tala, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuuang 142 thousand 62 na kaso ng dengue ang naitala muna Enero hanggang Hulyo 20.

Sa nasabing bilang 622 rito ay nasawi.

TAGS: Dengue, Dengvaxia, doh, domingo, epidemic, Dengue, Dengvaxia, doh, domingo, epidemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.