TRO sa pagdinig sa Mamasapano encounter binawi ng Korte Suprema
Inalis na ng Korte Suprema ang temporary restraining order na inisyu nito kaugnay ng kaso ng Mamasapano encounter noong 2015.
Napagbotohan sa en banc session kahapon na bawiin ang TRO na nangangahulugan na wala nang magiging hadlang sa pag-usad ng pagdinig.
Una nang nagpalabas ang Supreme Court First Division ng TRO noong February 2018 na pansamantalang pumigil sa dapat sana ay arraignment noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nahaharap sa kasong usurpation of authority at graft.
Ito ay kasunod ng petisyong inihain ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema dahil sa oras na matuloy ang pagbasa ng sakdal, mawawalan na raw ng karapatan ang mamamayan na mausig sa tamang kaso sina Aquino.
Noong Hunyo, naghain na ang Ombudsman ng mosyon sa Sandiganbayan na nag-aatras sa kasong graft at usurpation laban kay Aquino.
Bukod kay Aquino, akusado rin sa kaso sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP Special Action Force Director Getulio Napenas Jr.
Matatandaan na noong January 25, 2015, mahigit anim na pu ang namatay kabilang na ang 44 na myembro ng Special Action force nang sumiklab ang engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.