Deployment ng mga OFW sa Hong Kong magpapatuloy – DOLE
Hindi muna magpapatupad ng deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW sa Hong Kong.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, magpapatuloy ang pagpapadala ng OFWs sa Hong Kong sa kabila ng protestang nagaganap doon.
Paliwanag ni Bello, nasa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapasya kung magtataas ng alert level.
Sa ngayon ang ginagawa aniya ng pamahalaan ay ang paulit-ulit na paalalahanan ang mga OFW na manatili sa ligtas na lugar.
Samantala, ang isang Pinoy na inaresto matapos mapagkamalang kasali sa protesta ay nakalaya na matapos magpiyansa ng 2,000 Hong Kong Dollars.
Ani Bello, nasa maayos namang kondisyon ngayon ang nasabing Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.