3 araw bago ang pagsalubong sa 2016, 81 na ang sugatan sa paputok

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2015 - 07:32 AM

File Photo / DOH
File Photo / DOH

Mahigit 80 na ang naitalang sugatan sa paputok.

Umabot na sa 81 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Ang nasabing bilang ay naitala mula December 21 hanggang 27, kung saan 60 ang nagtamo ng hand injuries at siyam naman ang nagtamo ng eye injuries.

Ayon sa DOH ang nasabing bilang ay mas mababa ng 42% kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon pero inaasahang tataas pa ang bilang ng firecracker related injuries habang papalapit ang pagsalubong sa bagong taon.

Sa 81 nasugatan, 61 sa kanila ay gumamit ng piccolo na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalan.

Karamihan naman sa mga nasugatan o nasa 68 ay pawang mga lalaki.

Naitala ang pinakamaraming biktima ng sa National Capital Region (NCR) na 28 ang nasugatan; 7 naman ang nasugatan sa Quezon City, 6 sa Maynila, 5 sa Mandaluyong, 3 sa Parañaque City, 2 sa Caloocan City, 2 sa Pateros, 2 sa Pasay City, at isa sa Marikina City.

TAGS: Firecracker related incidents, Firecracker related incidents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.