Tax revenue measures uunahing ipasa ng Kamara kaysa sa 2020 budget

By Erwin Aguilon August 07, 2019 - 08:50 AM

Uunahin ng Kamara ang pagpasa sa mga tax revenue measures ng gobyerno bago ang panukalang pondo para sa taong 2020.

Sa isang ambush interview, sinabi ni House Speaker Alan Cayetano na hindi nila basta maipapasa ang budget kung wala namang pagkukunan ng sapat na pondo.

Sinabi nito na sa mga tax measures ng pamahalaan kukunin ang pondo para sa mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Ilan sa mga revenue generating measures na mga panukala ay ang pagpapataw ng mas mataas na excise tax rates sa alcohol, at paglikha ng Tax Reform for
Attracting Better and High-Quality Opportunities o Trabaho Bill.

Nauna namang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na target aprubahan ang 2020 national budget at mga tax reform bills sa October 5 o bago magsession break ang Mababang Kapulungan.

TAGS: 2020 national budget, House of Representatives, tax measures, 2020 national budget, House of Representatives, tax measures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.