Menor de edad, 4 iba pa arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Malabon | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Menor de edad, 4 iba pa arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Malabon

By Jong Manlapaz August 07, 2019 - 08:33 AM

Arestado ang isang menor de edad at apat na iba pa sa ginawang buy bust operation ng Malabon City Police Station sa P. Concepcion St, Tugatog, Malabon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Guevarra alyas Komang, Chris Johnson Gobres alyas John-John, Zyra Cabanado De Leon at Roberto Miralles.

Nadakip din ang isang alyas Utay na 16 anyos lamang.

Ayon sa mga otoridad, si Utay at ang kasama nitong si Komang ay magkasabwat sa pagbebenta ng shabu.

Ang iba pang mga suspek ay naaktuhan ng mga pulis sa lugar at nakuhanan ng shabu ang.

Aabot sa siyam na sachet na naglalaman ng shabu ang nakuha sa mga suspek.

Nakuha rin kay Utay ang P200 na buy bust money.

Ang apat at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 habang si Utay ay dadalhin sa pangangalaga ng DSWD.

TAGS: Illegal Drugs, malabon city, Radyo Inquirer, War on drugs, Illegal Drugs, malabon city, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.