Bagyong Hanna lumakas pa at nasa Typhoon category na – PAGASA
Lalo pa ng lumakas ang bagyong Hanna.
Ayon sa PAGASA, nasa typhoon category na ngayon ang bagyo.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Huling namataan ang Typhoon Hanna sa layong 625 kilometers East ng Basco, Batanes.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay magdudulot ng patuloy na pag-ulan sa mga sumusunod na lugar:
– northern portions of Palawan
– Calamian Island
– Cuyo Island
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Romblon
– Batangas
– Cavite
– Zambales
– Bataan
– Aklan
– Antique
– Ilocos Region
Maulap na papawirin naman na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa:
– Metro Manila
– nalalabing bahagi ng Luzon
– Central Visayas
– Western Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.