Chinese research ship namataan sa katubigan ng bansa

By Rhommel Balasbas August 07, 2019 - 03:51 AM

Isang Chinese research vessel ang naglayag sa katubigan sa Silangang bahagi ng bansa.

Ayon sa post sa Twitter ni Ryan Martinson, assistant professor sa China Maritime Studies Institute, naglayag ang survey ship na “Zhang Jian” sa layo lamang na 80 nautical miles sa Silangan ng Pilipinas.

Sa datos ng MarineTraffic, isang ship tracking intelligence, nakumpirmang nasa katubigan ng Pilipinas ang naturang research vessel noong August 5.

Sa ilang mga ulat ng Xinhua News Agency, sinasabing ang Zhang Jian ay ginagamit para magsagawa ng deep-sea explorations sa South China Sea.

Samantala, kahapon, araw ng Martes, sinabi ng Western Command na apat na Chinese navy vessels ang dumaan sa katubigan ng Palawan noong Hunyo nang walang pasabi sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Wescom chief Vice Adm. Rene Medina, naglayag ang isang Chinese Navy vessel sa katubigan ng Balabac, Palawan hapon ng June 17.

Hindi umano tumugon sa radio warnings ng Wescom ang nasabing Chinese vessel.

Gabi naman ng kaparehong araw, isa pang gray ship ang dumaan sa nasabing lugar na nagpaabot lamang ng kanilang bow number sa pamamagitan ng radyo.

May kasama pang dalawang barko ang nasabing gray ship at hindi tumugon sa radio calls ng Philippine Military.

Ayon kay Medina, ito ang basehan kung bakit naghain ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas.

“We are very glad that the higher headquarters and the DFA (Department of Foreign Affairs) were cognizant on these reports and have taken actions,” ani Medina.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may apat na beses na dumaan ang Chinese warships sa Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi simula noong Pebrero nang walang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas.

Iginiit ni Lorenzana na dapat magpaalam sa gobyerno ang barkong pandigma ng ibang bansa kung dadaan sa katubigan ng Pilipinas.

 

TAGS: bow number, China Maritime Studies Institute, Chinese research vessel, Chinese warships, deep-sea explorations, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DFA, Diplomatic PRotest, gray ship, MarineTraffic, radio warnings, South China Sea, Wescom, Xinhua News Agency, Zhang Jian, bow number, China Maritime Studies Institute, Chinese research vessel, Chinese warships, deep-sea explorations, Defense Secretary Delfin Lorenzana, DFA, Diplomatic PRotest, gray ship, MarineTraffic, radio warnings, South China Sea, Wescom, Xinhua News Agency, Zhang Jian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.