Panelo: Duterte di na interesado sa martial law sa Negros Oriental

By Chona Yu August 06, 2019 - 04:24 PM

Wala na sa ngayon sa agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng martial law sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang nagaganap na state of rebellion sa Negros Oriental para ipatupad ang batas military.

“Kasi nga under the Constitution, dapat may rebellion. Sa ngayon, unbridled patayan pa lang nangyayari,” paliwanag ng kalihim

Malinaw kasi aniya sa ilalim ng Konstitusyon na maari lamang ipatupad ang martial law kapag may rebelyon.

Sapat na aniya ang tatlong daang puwersa ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police para panatilihin ang peace and order sa lugar.

Base sa talaan, dalawampu’t isang katao na ang napatay sa Negros Oriental noong buwan lamang ng Hulyo.

TAGS: Martial Law, Negros Oriental, panelo, PNP, Martial Law, Negros Oriental, panelo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.