25 loose firearms nakumpiska sa Rodriguez, Rizal
Nakumpiska ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station ang aabot sa 25 loose firearms.
Ayon kay Rodriguez Chief of Police P/Lt. Col. Rexpher Gaoiran, nagsawa ng serye ng operasyon ang pulisya nitong nagdaang linggo laban sa mga hindi lisensyadong baril.
Ani Gaoiran, isinuko ang mga armas ng 18 sibilyan, 1 government official, 4 na aktibong pulis at 2 retiradong pulis.
Iprinisinta ang mga nakumpiskang armas kay Rodriguez Mayor Dennis Hernandez.
Tiniyak naman ni Gaoiran na magpapatuloy ang pagsasagawa nila ng Oplan Katok para nakumpiska ang mga loose firearm sa bayan.
Umapela din siya sa publiko lalo na sa mga nagmamay-ari ng hindi lisensyadong baril na kusa nang isuko sa pulisya ang kanilang mga armas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.