ARMM Gov. pinaiimbestigahan ang pananambang sa ABS-CBN news team
Iniutos na ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman sa mga pulis ng Marawi City na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pananambang sa mga kawani ng media sa nasabing lugar.
Ang nasabing pag-atake aniya sa news team ng ABS-CBN ay isang pagpapakita ng pagiging walang pakundangan ng mga armadong grupo sa lugar, na ultimo mga kawani ng media ay pinupuntirya.
Ginagawa lang naman aniya ng mga ito ang kanilang trabaho bilang kasapi ng fourth estate sa ngalan ng press freedom.
Ani pa Hataman, pinatitiyak niya sa mga pulis na mabigyang hustisya ang nangyari at na malaman at mapanagot kung sino man ang nasa likod ng pag-atake.
Matatandaang inatake ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sakay ng mga motorsiklo ang news team ng ABS-CBN, hapon ng Sabado, matapos silang mag-follow up sa isa na namang pagpapasabog ng tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.