Nasawi sa dengue sa Cavite umabot na sa 27

By Rhommel Balasbas August 06, 2019 - 03:06 AM

MICHAEL B. JAUCIAN

Umakyat na sa 27 ang bilang ng nasawi sa dengue sa Cavite sa unang pitong buwan ng 2019.

Ayon sa datos ng Cavite Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) na iniulat sa harap ni Health Sec. Francisco Duque III araw ng Lunes, umabot na sa 6,232 ang dengue cases sa lalawigan mula January 1 hanggang kahapon, August 5.

Ang naturang bilang ay 99 percent na mas mataas kumpara sa 3,127 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Noong July 18 ay nagdeklara na ang provincial government ng state of calamity.

Sa pulong ni Duque sa mga local government officials ng Cavite, pinatitiyak ang suporta sa dengue victims.

“Dapat lahat ng ating mga lokal na pamahalaan ay handa na makapagbigay ng suporta sa mga biktima ng dengue lalo na ngayong patuloy na tumataas ang mga kaso dito sa Cavite, kailangan natin ng dobleng pag-iingat,” ani Duque.

Pinayuhan ang lahat ng local government units (LGUs) na bumuo ng hydration stations sa lahat ng rural health units (RHUs) upang maiwasan ang dehydration ng nakararanas ng matataas na lagnat.

Hinimok ni Duque ang provincial government na makipagtulungan upang mapababa ang dengue cases sa lalawigan.

“Magtulungan po tayo upang malutas natin at mapababa ang bilang ng mga nabibiktima ng dengue sa ating mga bayan, at mailigtas sa tiyak na kapahamakan ang ating mga kababayan,” dagdag ng kalihim.

Pinakamataas ang bilang ng kaso ng dengue sa Dasmariñas na may 1,542 cases; sinundan ng General Trias, 575 cases; Bacoor, 510 cases; Imus, 507 cases; at Silang, 475 cases.

Bukod sa pulong sa provincial government officials, bumisita rin si Duque sa dengue patients sa General Emilio T. Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH).

 

TAGS: cavite, Cavite Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, Dengue, Health Sec. Francisco Duque III, nasawi, State of Calamity, cavite, Cavite Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, Dengue, Health Sec. Francisco Duque III, nasawi, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.