Paglubog ng 3 bangka sa Iloilo iniimbestigahan na ng Marina

By Len Montaño August 06, 2019 - 02:25 AM

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (Marina) ang operasyon ng lahat ng pampasaherong motorbanca sa ruta ng Iloilo-Guimaras kasunod ng paglubog ng tatlong bangka noong Sabado na ikinamatay ng hindi bababa sa 30 katao.

Ang hakbang ng Marina ay kasabay ng pagsisimula ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Habang iniimbestigahan ay susuriin ng ahensya kung kinunsidera ba ang pinakahuling lagay ng panahon at kaukulang kalagayan ng kaligtasan sa pagbiyahe ng 3 sasakyang pandagat.

Makikipag-ugnayan ang regional office ng Marina sa Iloilo City sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA) at lokal na pamahalaan kaugnay ng trahedya.

Una rito ay inutusan ng ahensya ang 2 Roro vessels sa pinangyarihan ng insidente na dalasan ang biyahe para tugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

 

TAGS: 3 bangka, Guimaras, iimbestigahan, Iloilo, MARINA, operasyon, paglubog, pampasaherong motorbanca, philippine coast guard, Philippine Ports Authority, sinuspinde, 3 bangka, Guimaras, iimbestigahan, Iloilo, MARINA, operasyon, paglubog, pampasaherong motorbanca, philippine coast guard, Philippine Ports Authority, sinuspinde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.