Kaso laban sa WellMed ibinasura ng korte

By Angellic Jordan August 06, 2019 - 12:13 AM

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang kasong inihain laban sa may-ari at ilang empleyado ng WellMed Dialysis and Laboratory Center.

Ito ay kaugnay sa umano’y ghost dialysis claims ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa labing-apat na pahinang desisyon, sinabi ni Quezon City RTC Branch 19 Presiding Judge Janet Abergos-Samar na ibinasura ang kaso dahil sa kakulangan ng hurisdiksyon.

Nakasaad pa sa dokumento na naihain ang kaso sa maling korte.

Sinabi ni Abergos-Samar na dapat munang isagawa ang pagdinig sa Metropolitan Trial Court ng Quezon City.

Nilinaw naman ng korte na ang pagbabasura sa kaso ay walang kinalaman sa pagiging guilty o inosente ng mga akusado.

 

TAGS: empleyado, ghost dialysis, ibinasura ng korte, maling korte, may-ari, Metropolitan Trial Court, philhealth, quezon city, rtc, WellMed, empleyado, ghost dialysis, ibinasura ng korte, maling korte, may-ari, Metropolitan Trial Court, philhealth, quezon city, rtc, WellMed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.